Home NATIONWIDE Iran, wala nang kakayahang gumawa ng nuclear weapon – US

Iran, wala nang kakayahang gumawa ng nuclear weapon – US

AMERIKA – Ipinahayag ni U.S. Vice President JD Vance nitong Lunes na hindi na kayang gumawa ng nuclear weapon ang Iran matapos sirain ng mga airstrike ng Amerika ang mga pangunahing pasilidad nito.

“Malapit na sanang makabuo ng nuclear weapon ang Iran,” ani Vance sa isang panayam sa Fox News. “Ngayon, hindi na nila kayang gumawa ng sandatang nuklear gamit ang mga kagamitan nila dahil winasak na ito ng Amerika.”

Ayon sa ulat, binomba ng U.S. ang mga nuclear facility ng Iran sa Natanz, Isfahan, at Fordow nitong weekend, kung saan nakita sa satellite images ang malawakang pinsala. RNT