MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine National Police nitong Martes, Hunyo 17 na ang pagbubukas ng klase para sa School Year 2025-2026 ay generally peaceful.
Sa press statement, sinabi ng PNP na ang maayos at mapayapang pagbubukas ng klase ay dahil sa mahigpit na koordinasyon ng Department of Education, local government units, at iba pang stakeholders.
Mananatiling pinaigting ang presensya ng kapulisan sa kabuuan ng linggo upang mapanatili ang maayos na daloy ng mga estudyante at matugunan ang anumang pangangailangan.
Ayon sa PNP, mahigit 37,000 police personnel ang ipinakalat sa mga paaralan, transportation terminals, pangunahing kalsada, at key locations.
“The safe return of our students to their schools is a shared victory of every police officer, teacher, parent, and member of the government,” sinabi ni PNP chief Police General Nicolas D. Torre. RNT/JGC