Home NATIONWIDE Pagbusisi sa konstruksyon ng New Senate Building suportado ng Kamara

Pagbusisi sa konstruksyon ng New Senate Building suportado ng Kamara

MANILA, Philippines – Suportado ng mga miyembro ng Kamara ang panawagan na suriin ang konstruksyon ng New Senate Building sa Taguig, kung saan ang projected cost para rito ay tumaas sa P23 bilyon.

Ayon kina 1-Rider party-list lawmaker Rodge Gutierrez, Ako Bicol party-list legislator Jill Bongalon, Zambales representative Jay Khonghun at La Union lawmaker Paolo Ortega, malayo ang P23 bilyon sa inisyal na gastos na P8.9 bilyon, at ito ay dapat na busisiin umano.

“Public infrastructure projects should reflect prudent financial management. We must halt this project until a clear and transparent review can guarantee that the funds are used appropriately and for the benefit of all Filipinos,” ani Khonghun.

“It is only prudent to scrutinize projects involving public funds. We owe it to our constituents to ensure that every peso is spent wisely and effectively. The significant cost overrun calls for a reassessment to protect our nation’s fiscal health,” dagdag naman ni Gutierrez.

Para naman kay Bongalon, “every centavo must be accounted for to prevent misuse of funds.”

Sa kabila nito, sinabi ni Ortega na ang suspensyon ng fund releases para sa New Senate Building “is a necessary step to ensure the new Senate building project meets the highest standards of efficiency and accountability.”

Nitong Miyerkules, sinabi ni Senador Alan Peter Cayetano na magpapatuloy ang konstruksyon ng New Senate Building sa kabila ng cost review. RNT/JGC