Home OPINION SSS HINIHIKAYAT ANG PRIVATE SECTORS SUMALI SA CONTRIBUTION SUBSIDY PROVIDER PROGRAM

SSS HINIHIKAYAT ANG PRIVATE SECTORS SUMALI SA CONTRIBUTION SUBSIDY PROVIDER PROGRAM

Kamakailan ay lumagda sa isang kasunduan ang SSS o Social Security System at ang MDC o  Makati Development Corporation. Dumalo sa MOA signing sina SSS President and Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet, Commissioner Diana Pardo-Aguilar, Executive Vice President for branch ope­rations sector Voltaire Agas, at Senior Vice President for Natio­nal Capital Region Operations Group Maria Rita Aguja.
Sa panig naman ng MDC ay sina employee experience and benefits manager John Paulo Curay, Vice President for corporate resources and services group Ferdie Mangali, at corporate resources and services group senior division head Jowel Alcasid.
Pinapurihan ng SSS ang MDC dahil sa pagsasaalang-­alang nito sa kapakanan ng mga asawa ng mga empleyado nitong ­construction foremen at workers sa pamamagitan ng CSPP o Contribution Subsidy Provider Program.
Nakatakdang bayaran ng MDC ang paunang anim na buwang hulog sa mga asawa ng kanilang mga trabahador para maging kwalipikado sila sa mga benepisyo at programa ng SSS.
Ibinahagi ng SSS kung anong klaseng benefits na maaari ni­lang ma-avail, tulad ng benepisyo sa pagkakasakit, panga­nganak, pag­kabalda, pagkatanggal/pagkawala ng trabaho, pag­reretiro, pagkamatay, at pagpapalibing. Kwalipikado ring ma­kautang sa iba’t ibang programang tulad ng salary, calamity, educational, social development loans at pension loan naman para sa mga retiradong-pensyonado.
Labis na natuwa si PCEO Macasaet dahil sa ipinakitang pagmamalasakit ng MDC hindi lamang sa mga manggagawa nito kundi pati sa pamilya nito. Nauunawaan kasi ng kompanya ang kahalagahan ng may social protection.
Kasabay nito ay hinikayat din niya ang mga nasa pribadong sektor na gayahin ang ipinakitang halimbawa ng MDC.
Ang CSP o Contribution Subsidy Provider ay maaaring pri­badong sektor o nasa pamahalaan na nais na mag-subsidize ng paunang anim na buwang hulog ng mga self-employed workers, land-based overseas Filipino workers, at voluntary members.
Sa datos ng SSS, may sampung (10) CSP’s na sa NCR na may 685 members o katumbas na contribution collection na Php783,530.
Maaari ng ipagpatuloy ang paghuhulog ng buwanang contribution sa SSS ng mga asawa ng mga empleyado.