MANILA, Philippines- Lusot na sa House of Representatives sa botong 162 pabor ang House Bill 11254 o panukalang batas na nagsusulong sa pag-ban na sa bansa ng e-sabong.
Sa oras na maisabatas ang panukala, ang lahat ng permits at lisensya ng e-sabong operators na ipinalabas ng Philippine Amusement and Gaming Corporation ay idedeklarang invalid at wala nang permit na ipalalabas.
Batay sa panukala, ang mga lalabag ay maaaring patawan ng isa hanggang 20 taong pagkakakulong at multa na P500,000.
Samantala, inaprubahan din ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 11253 na nagbabawal sa magtayo at mag-operate ng sabong sa 500 lineal meters mula sa mga residential o commercial area, schools at ibang educational institutions, at mga simbahan.
Inaprubahan din ang House Bill 11044 na nagpapalakas sa regulasyon sa sabong ng local government units. Gail Mendoza