Home NATIONWIDE P33M ilegal na droga nasabat ng PNP noong Mayo

P33M ilegal na droga nasabat ng PNP noong Mayo

MANILA, Philippines- Nakumpiska ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PDEG) ang mahigit P33 milyong halaga ng ilegal na droga at naaresto ang 59 drug personalities nitong Mayo.

Sa ulat nitong Huwebes, sinabi ni PDEG acting chief Brig. Gen. Jason Capoy na kabilang sa nasabat na kontrabando ang 2.59 kg. ng shabu, 3 kg. ng dried marijuana leaves, at 75,000 piraso ng marijuana plants na may total estimated standard drug price na P33.029 milyon.

Kabilang sa mga naarestong suspek ang 41 high-value individuals (HVIs), 11 street-level individuals (SLIs), maging limang other wanted persons (OWPs) at dalawang most wanted persons (MWPs).

Ani Capoy, resulta ang mga pag-aresto ng 52 operasyon noong nakaraang buwan na kinabibilangan ng 40 buy-bust operations, tatlong search warrant implementations, dalawang marijuana eradications, at pitong pagsilbi ng warrant of arrests.

“These achievements are a testament to our operatives’ dedication, sacrifice, and strategic operations planning. We will continue to intensify our anti-drug initiatives to ensure a safer and drug-free Philippines,” wika ni Capoy. RNT/SA