Home NATIONWIDE Tugon sa HIV pinaigting ng gobyerno

Tugon sa HIV pinaigting ng gobyerno

253
0

MANILA, Philippines- Pinaiigting pa ng Department of Health (DOH) ang kanilang pagsisikap upang mapigilan ang nakaaalarmang pagsirit ng kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa bansa, habang isinusulong ng ahensya ang pagdedeklara ng national public health emergency at pagpapalawak ng access sa testing at treatment.

Sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa sa press briefing sa Malacanang na pinaigting pa ng ahensya ang pamamahagi ng libreng retroviral drugs o ARVs sa mga indibidwal na namumuhay nang may HIV.

Mula Enero hanggang Marso 2025, nakapagtala ang Pilipinas ng average ng 57 bagong HIV cases kada araw– 500 percent na mas mataas kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Karamihan sa mga tinamaan ng sakit ay mga lalaki sa 33 percent at edad 15-24 at 47 percent sa edad 25-34, ayon sa DOH.

Samantala, kinumpirma ng kalihim na nagsumite siya ng rekomendasyon sa Office of the President na magdeklara ng national public health emergency sa HIV alinsunod sa payo ng Philippine National AIDS Council.

Tiniyak ni Herbosa sa publiko na may sapat na suplay nh ARV sa mga hub ng pamahalaan at idinagdag ang mga bagong inaprubahang self-test HIV kit na available para sa personal use, bagama’t kailangan pa rin ng confirmatory test sa DOH-accredited centers. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here