Home HOME BANNER STORY Tsina sa EU: ‘Pagpapasimuno ng gulo’ sa S. China Sea tigilan

Tsina sa EU: ‘Pagpapasimuno ng gulo’ sa S. China Sea tigilan

MANILA, Philippines- Hinimok ng Chinese Embassy sa Pilipinas ang European Union na tigilan ang umano’y pagpapasimuno ng gulo sa South China Sea nitong Huwebes, at pinayuhan ang Manila na huwag “magpantasya” ng pagsandal sa outside forces upang resolbahin ang sigalot sa nasabing teritoryo.

Inihayag ito ng embassy spokesperson matapos bumisita ni EU foreign policy chief Kaja Kallas sa Manila at ihayag ang pagkabahala sa mga aktibidad ng China sa waterway, kung saan nasasagasaan ng pag-angkin nito ang claims ng iba pang Southeast Asian nations.

“We urge the EU to genuinely respect China’s territorial sovereignty and maritime rights and interests in the South China Sea and to stop provoking trouble,” anang tagapagsalita sa pahayag sa embassy website, iginiit na walang karapatang makialam ang bloc.

Aniya pa, dapat bumalik ang Manila sa pakikipagdayalogo at konsultasyon upang mapangasiwaan ang mga pagkakaiba sa China sa halip na “fantasising about relying on external forces” upang resolbahin ang South China Sea dispute.

Kapwa inihayag ng EU at ng Pilipinas ang pagkabahala sa “illegal, coercive, aggressive and deceptive measures” ng China laban sa Philippine vessels at aircraft na nagsasagawa ng lawful maritime operations sa South China Sea, base sa joint statement matapos makipagpulong ni Kallas sa Philippine foreign minister nitong Linggo. RNT/SA