MANILA, Philippines- Mariing binatikos ni House Deputy Majority Leader at La Union Rep. Paolo Ortega ang paratang ni Sen. Chiz Escudero na sunod-sunuran ang mga mambabatas sa kagustuhan ni House Speaker Martin Romualdez.
“Wala pong inuutos samin si Speaker,” depensa ni Ortega.
“Hindi naman po ganun. may kanya-kanyang pong pag-iisip ang mga congressman.Hindi naman po tatagal ng ganyan yung mga kasama namin dito sa Kamara…kanya-kanyang po kasing districts, hindi naman po magiging sensible politicians yan kung the mere na, susunod na lang po sila,” paliwanag pa niya.
Una nang sinabi ni Escudero na ang mga kongresista ay “blind followers” ni Romualdez na nagsusulong ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Giit ni Ortega, Pebrero pa nang isumite ng Kamara ang impeachment sa Senado subalit hanggang sa kasalukuyan ay walang aksyon.
“At the end of the day, nandyan po ang Constitution, at kami pong mga congressman mayroon naman po kaming kanya-kanyang panananaw, kanya-kanyang opinyon. At gaya po ng mga opinyon ng mga counterparts namin sa Senate ay nirerespeto rin po namin sila at dapat respetuhin rin po nila yung opinyon namin dito sa Kamara,” pagtatapos ni Ortega. Gail Mendoza