Home NATIONWIDE PAGCOR labas sa pag-iisyu ng local permit ng POGOs

PAGCOR labas sa pag-iisyu ng local permit ng POGOs

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na wala itong kinalaman sa pagbibigay ng local business permit at lisensya sa Philippine offshore gaming operators (POGO).

“Walang kinalaman ang PAGCOR sa pag-iisyu ng local business permits and licenses. Hindi rin kami mananagot sa pag-inspeksyon sa mga gusaling wala sa aming hurisdiksiyon,” ayon sa ahensya.

“Nag-isyu kami ng mga lisensya batay sa aming sariling mga alituntunin at mga dokumentong isinumite ng mga aplikante,” dagdag nito.

Ang pahayag ng PAGCOR ay tugon sa sinabi ng kampo ni Bamban Mayor Alice Guo na iningunguso ang responsibilidad ng PAGCOR na mag-isyu ng mga permit at lisensya, matapos ang isang POGO hub na matatagpuan sa bayan ng Guo ay na-raid sa Tarlac ay iniugnay sa pampublikong opisyal.

Noong Marso 13, ni-raid ng mga awtoridad ang 10-ektaryang POGO hub na pinamamahalaan ng Zun Yuan Technology Inc. at natagpuan ang ilang device na sinasabing nauugnay sa mga operasyon ng POGO. Mahigit 600 Pilipino at dayuhan ang nailigtas sa raid.

Si Guo at dalawa pang opisyal ng munisipyo ay sinuspinde ng Office of the Ombudsman ng hanggang anim na buwan matapos magbigay ng permit sa mga operator ng POGO company sa kabila ng kakulangan ng mga kinakailangang dokumento at provisional license mula sa PAGCOR.

Tiniyak ng PAGCOR na responsable lamang ito sa pag-iisyu ng mga pansamantalang lisensya sa POGOS.

“PAGCOR’s regulations are clear cut. If our licensees are found violating the terms of their licenses, whether these are provisional licenses or regular licenses, they are severely fined and penalized and, in the most serious cases, the licenses are revoked,” anang government owned and operated corporation.

“Aside from monitoring and enforcement of PAGCOR rules, the only role of PAGCOR in the raided illegal facilities in Bamban was the issuance of a provisional license to Zun Yuan Technologies, which had been revoked immediately after the March 13 raid,” saad pa nito. RNT