Home NATIONWIDE Pagdalo ni PBBM sa Cebu rally ‘di pagpapakita ng suporta kay Gwen Garcia

Pagdalo ni PBBM sa Cebu rally ‘di pagpapakita ng suporta kay Gwen Garcia

0
Pagdalo ni PBBM sa Cebu rally ‘di pagpapakita ng suporta kay Gwen Garcia

MANILA, Philippines – ITINANGGI ng Malakanyang na pagsuporta sa suspendidong si Cebu Governor Gwendolyn “Gwen” Garcia ang pagdalo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa campaign sortie ng administration coalition sa Cebu, araw ng Lunes, Mayo 5, 2025.

“Wala po tayong nakikitang ganoon,” ang diing pahayag ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.

Nauna rito, sinabi ni Pangulong Marcos na nararapat na tratuhin nang patas at igalang si Gov. Garcia matapos siyang patawan ng Office of the Ombudsman ng preventive suspension kaugnay sa di umano’y permit na inilabas ng tanggapan nito para sa isang construction firm na walang environment clearance at habang gumugulong ang imbestigasyon.

Inihayag naman ni Cebu Gov. Garcia na hindi siya aalis sa puwesto sa kabila ng suspension order mula sa Office of the Ombudsman. Ang gobernadora, susulat sa Department of Interior and Local Government (DILG) para linawin ang legalidad ng kautusan laban sa kaniya.

“Maliwanag din po ang sinabi ng ating Pangulo, dapat pong paigtingin ang rule of law, patibayin ang due process, wala dapat umaabuso sa anumang kapangyarihan, maging sino ka man,” ang matatandaang sinabi ni Castro.

Samantala, sa ikalawang pagkakataon ay kapansin-pansin na hindi binanggit ni Pangulong Marcos si Alyansa candidate Camille Villar sa kanyang nagiging talumpati. Hindi rin ksi binanggit ni Pangulong Marcos si Villar sa kanyang naging talumpati sa Batangas sorty nito lamang nakaraang Sabado.

Sa naging talumpati ng Pangulo, binigyang diin nito ang kahalagahan na maihalal ang kanyang mga kaalyado sa Senado.

“Kung ang senador na mailalahal natin sa eleksyon ay kontra sa adminsitrasyon, ang magiging problema haharangin lahat ang gustong gawin ng administrasyon. Kaya’t wag po tayo mapunta roon,” aniya pa rin. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here