Home ENTERTAINMENT Winwyn, tinapos na ang pageant journey!

Winwyn, tinapos na ang pageant journey!

Manila, Philippines – Sa mahigit 60 kandidatang sumali sa katatapos lang na Miss Universe

Philippines ay isa si Winwyn Marquez sa apat na nanay.

Now 32, Winwyn has a three-year-old daughter.

She finished first runner-up sa coronation night nitong May 2.

Ayon sa kumatawan sa Muntinlupa City, hindi na raw masama ‘yon.

Bale ito ang ikatlong beses na pagsali ni Winwyn sa national pageant.

Back in 2015, she placed in the Top 15 in Binibining Pilipinas.

Taong 2017 naman nang sumali siya sa Miss World Philippines.

Winwyn competed in Reina Hispanoamericana held in Bolivia kung saan siya ang kauna-unahang Pinay to have been crowned.

When interviewed atter the MUP, tiniyak ni Winwyn na huling-huling pagsali na niya ‘yon.

Bagama’t she ended her pageant journey ay napatunayan daw niyang walang makakahadlang sa pangarap ninuman. Ronnie Carrasco III