Home ENTERTAINMENT Ahtisa, binasbasan ni Catriona!

Ahtisa, binasbasan ni Catriona!

Manila, Philippines- Bunso ang tawag ni Miss Universe 2018 sa Miss Universe Philippines 2025 winner na si Ahtisa Manalo.

To refresh everybody’s memory, batchmates ang dalawa sa Binibining Pilipinas.

Bb. Pilipinas-Universe si Catriona while Ahtisa was crowned Bb. Pilipinas-World.

Sabi nga ng marami, history repeats itself.

Lumaban kasi si Cat sa Bangkok, Thailand noong 2018, and Ahtisa will represent the country in the MU na gaganapin uli sa binansagang “free country.”

Keeping their fingers crossed ang marami nating kababayan sa posibleng pagkapanalo ni Ahtisa sa MU to be held this November.

No less than si Catriona na mismo ang nagru-root for her former batchmate.

So far naman, walang pumapalag sa pagkapanalo ni Ahtisa sa MUP.

Since 2018 pa ang huling koronang nasungkit ng bansa, seven years later kaya’y masusundan na ito?

Ang ‘di ba nakamit ni Chelsea Manalo sa MU last year ay mangyayari na with Ahtisa?

Malay natin? Ronnie Carrasco III