Home HOME BANNER STORY Pagdedeklarang persona non grata sa kahit kaninumang kinatawan ng ibang bansa, ‘di...

Pagdedeklarang persona non grata sa kahit kaninumang kinatawan ng ibang bansa, ‘di nanaisin ni PBBM – Malakanyang

1
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Malakanyang na hindi nanaisin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ideklarang persona non grata ang kahit na sinumang kinatawan ng ibang bansa.

Ang usapin ay kasunod ng panawagan ng ilang mambabatas na ideklarang persona non grata si Ambassador Jing Quan matapos nitong sabihin na maaaring madaling mananalo ang Tsina laban sa Pilipinas kung pipiliin nitong gumamit ng puwersa sa West Philippine Sea.

“Alam natin ang pananaw  ng Pangulo, hindi po niyang nanaisin na  magkaroon ng ganitong klaseng pagdedeklara kahit kanino pa man  na representative ng ibang bansa dito sa ating bansa,” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary and Palace Press Officer Claire Castro o ituring siyang hindi katanggap-tanggap sa bansa.

Gayunman, igagalang naman ng Malakanyang ang anumang opinyon ng ibang mga lider at mga senador.

“Iginagalang po natin ang kanilang mga saloobin o kanilang mga opinyon at nararamdaman,” diing pahayag ni Castro.

Giit ni Castro, ang Pangulo ay hindi umaakto ng hindi sa diplomatikong pamamaraan.

“Alam naman natin, ang Pangulo ay Pangulo. Ang lahat ng sasabihin niya ay maaaring makaapekto sa ating bansa at sa ating mga kababayan. Kaya hindi nagiging agresibo ang Pangulo sa mga kanyang pananaw patungkol sa anumang relasyon at pakikipag-ugnayan sa ibang bansa,” anito.

Nauna rito, nanawagan ang ilang mambabatas na ideklarang persona non grata si Jing, o ituring siyang hindi katanggap-tanggap sa bansa.

Samantala, sa ulat, iIpinatawag ni Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro, araw ng Lunes si Chinese Ambassador Jing Quan upang ipahayag ang mariing pagtutol ng Pilipinas sa kanyang pahayag noong Oktubre 15, na anila’y naglalaman ng banta ng paggamit ng puwersa.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), sinabi ni Lazaro na “provocative”, “unacceptable” at hindi nakatutulong sa pagkakaroon ng pagkakaunawaan ang pahayag ng ambassador.

Binigyang-diin niya na ang ganitong mga pananalita ay nagpapalala sa dati nang sensitibong bilateral atmosphere at nagpapahina sa pinagsamang pagsisikap ng dalawang bansa na bumuo ng pagkakaunawaan at kooperasyon.

“It is not the place of a foreign mission to publicly criticize or taunt Philippine officials and legislators who are acting within their mandates. As a democracy, the Philippines values freedom of expression and a plurality of voices, and it will not accept attempts by a foreign envoy to intimidate those who exercise them,” ayon sa DFA.

Binigyang-diin ni Lazaro na ang mga sensitibong isyu ay dapat tugunan sa pamamagitan ng mga itinatag na diplomatikong channel at bilateral mechanisms.

“It will keep open lines of communication with China and work to stabilize bilateral relations, especially in non-sensitive areas, while firmly upholding the country’s consistent positions on important issues,” pahayag ng ahensya.

“The Department reserves the right to take further diplomatic action as it deems necessary,” dagdag nito. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here