MANILA, Philippines – PINURI ng iba’t ibang grupo ang delegasyon ng Pilipinas sa 11th Conference of the Parties (COP11) ng World Health Organization’s Framework Convention on Tobacco Control (WHO FCTC) dahil sa malinaw nitong paninindigan upang protektahan ang kapangyarihan ng bansa na magpasya batay sa pambansang interes, lalo na para sa mga komunidad na nakadepende sa produksiyon ng tabako.
Sa kanyang pambungad na pahayag, binigyang-diin ni Ambassador Carlos Sorreta, pinuno ng delegasyon ng Pilipinas, ang pangangailangan ng maingat at responsableng paglipat para sa mga rehiyong patuloy na umaasa sa pagtatanim ng tabako para sa kabuhayan.
“We must ensure transitions are socially and economically responsible as we work to diversify livelihoods and sustain investments, consistent with our laws and the Convention,” aniya.
Idinagdag pa niya na inuuna ng Pilipinas ang “sovereignty and different national contexts in the implementation of guidance.”
Pinagtibay ng posisyon ng Pilipinas na ang mga panukala sa ilalim ng FCTC ay hindi obligado o tali – mga patnubay lamang na dapat iayon sa umiiral na batas at proseso ng bansa, lalo na kung may epekto sa sektor ng agrikultura at kabuhayan sa kanayunan.
Ipinahayag ng mga lokal na grupo ang kanilang suporta sa malinaw na paninindigan ng delegasyon, sabay babala na ang mga biglain o labis na mahigpit na mungkahi ay maaaring magdulot ng matinding pinsala sa mga komunidad na umaasa sa tabako para sa kita at pondo ng lokal na pamahalaan.
Ayon sa Northern Luzon Alliance, isang blokeng kinatawan ng mga lalawigang nagtatanim ng tabako, mahalaga ang papel ng delegasyon ng Pilipinas sa pagpigil sa mga polisiya na hindi tugma sa tunay na kalagayan ng agrikultura sa bansa.
“We applaud the Philippine delegation for standing up for the welfare of farmers, consumers, and communities in tobacco-growing provinces and not agreeing to proposals to end government support for growers, impose quotas, and phase out tobacco sales are unrealistic, overly punitive, and incompatible with the country’s agricultural and economic realities,” ayon sa grupo.
“Had these proposals been accepted, it would have amounted to an economic death sentence for entire agricultural provinces and the industries linked to them. Such measures would severely harm rural livelihoods, disrupt lawful industries, and jeopardize revenues that fund essential public services,” dagdag pa nila.
Binigyang-diin naman ng Federation of Free Farmers ang patuloy na kahalagahan ng tabako sa katatagan ng ekonomiya sa kanayunan. “Tobacco remains a primary source of livelihood across nearly 20 provinces… More importantly, this is the only decent source of income many families have known for generations.”
Ayon pa sa grupo, ipinakita ng delegasyon ng Pilipinas ang malinaw na pag-unawa sa tunay na kalagayan ng mga magsasaka. “In protecting our farmers and the communities reliant on this crop, the Philippine delegation has done an act of compassion and fairness. They chose to listen to the people who would have suffered first and most. For that, we are deeply grateful. They protected not just our crops, but our dignity and our future.” RNT