MANILA, Philippines – Nasa higit 15 kaso pa ang isasampa bago matapos ang taong ito laban sa mga indibidwal na sangkot sa maanomalyang flood control projects, sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla.
Noong Martes, naghain ang Ombudsma ng kaso sa Sandiganbayan ng kasong korapsyon at malversation of public funds laban kay dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 4B at Sunwest Corporation directors.
Sinabi ni Assistant Ombudsman Mico Clavano sa mga mamamahayag na ang mga kaso ay may kaugnayan sa maanomalyang P289 milyong flood control project sa Oriental Mindoro.
Nitong Biyernes, Nobyembre 21, inirekomenda rin ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) at DPWH sa Office of the Ombudsman ang pagsasampa ng kasong plunder, graft at bribery laban kay Co at Leyte Rep. at dating Speaker Martin Romualdez.
Kapwa itinanggi ni Co at Romualdez ang anumang pagkakasangkot sa kontrobersya sa flood kontrol. Jocelyn Tabangcura-Domenden