Home METRO Pagdiriwang ng Earth Hour 2024 pangungunahan ng Manila LGU

Pagdiriwang ng Earth Hour 2024 pangungunahan ng Manila LGU

MANILA, Philippines – HINIKAYAT ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila sa pamumuno ni Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan ang publiko, partikular na ang mga Manilenyo, na makiisa sa pagdiriwang ng Earth Hour 2024 sa darating na Marso 23.

Nabatid na napili ang lungsod ng Maynila bilang punong-abala sa pagdiriwang ng Earth Hour 2024 na inorganisa ng World Wide Fund for Nature-Philippines (WWF-Philippines) na gaganapin sa Marso 23, araw ng Sabado sa Kartilya ng katipunan sa gilid lamang ng Manila City Hall.

Nabatid na bahagi ng pagdiriwang ng Earth Hour ngayong taon, ilan sa mga makasaysayang lugar sa lungsod, kabilang ang City Hall Clock Tower at Monumento ni Jose Rizal ay magpapatay ng ilaw sa loob ng isang oras simula alas-8:30 hanggang alas-9:30 ng gabi sa Marso 23 bilang pagpapahayag ng pangako at pakikiisa sa ipinaglalabang pagbibigay protekta sa kalikasan.

Ayon naman kay WWF-Philippine Executive Director Katherine Custodio, marami na umano ang nakalimot na tayong lahat ay may malalim na koneksiyon sa kalikasan.

“This year Earth Hour Philippines’ focus is on addressing plastic pollution as it is one of the most pressing concerns for our country and a public health issue. We generate 2 million tonnes of plastic waste in the Philippines every year, only 9% is recycled, and 35% leaks out into the open environment. As we are an archipelago of 7,640 islands, the damage caused by plastic pollution to our environment is magnified,” ani Custodio.

Itinuon din ni Custodio ang pakikipagkasundo sa Lungsod ng Maynila bilang katuwang sa paglaban sa polusyon na dulot ng plastic matapos lagdaan ni Mayor Lacuna-Pangan na maging “Plastic Smart City” ang lungsod o ang tuluyang pagbabawas ng 100% ng basurang dulot ng plastic sa taong 2030. JAY Reyes

Previous articleFrozen body parts na itinapon sa NBI office, sangkot sa illegal na droga
Next articleCarl Bryan Cruz, Tolomia, Caperal, Ayaay inalis sa PBA