MANILA, Philippines – Sinabi ng National Bureau of Investigation (NBI) na ang natagpuang frozen na katawan ng tao na itinapon sa harap ng tanggapan ng NBI-Bacolod City ay isang lalaki na sangkot sa illegal na droga.
Hindi naman binanggit ang pagkakakilanlan ng biktima habang hinihintay mula sa isang team ng technical division sa NBI Manila.
Nauna nang sinabi ng NBI noong Marso 5 na ilalabas ang pagkakakilanlan ng biktima ay kasunod ng ibinigay na lead ng impormante.
Itinanggi ni NBI Bacolod chief Renior Baldovino ang mga ulat na nagkaroon ng lamat sa pagitan ng dalawang ahente ng NBI Bacolod na maaaring may kaugnayan sa kaso ng chop-chop na katawan ng tao.
Sinabi ni Baldovino na ang mga taong nag-iwan ng mga bahagi ng katawan sa harap ng tanggapan ng NBI ay malamang na gustong takutin o siraan sila dahil sa kanilang aktibong kampanya laban sa illegal na sugal.
Binigyan-diin din ni Baldovino na nagkataon lamang na na ang CCTV camera sa NBI office ay nakapatay nang matagpuan ang body parts.
Kaugnay nito, bumuo na ng special team ang City Police Odffice na mag-iimbestiga sa pagtapon sa chop-chop na katawan ng biktima sa harap ng NBI office. Jocelyn Tabangcura-Domenden