Home NATIONWIDE 60 patay sa baha sa southern Brazil

60 patay sa baha sa southern Brazil

BRAZIL – Umabot na sa halos 60 ang mga nasawi sa matinding pagbaha na dulot ng malalakas na pag-ulan sa Rio Grande do Sul, Brazil.

Ayon sa civil defense authority ng Rio Grande do Sul, 74 katao rin ang nawawala at mahigit 69,000 ang lumikas sa malalakas na pag-ulan na nakaapekto sa mahigit sa kalahati ng 497 lungsod sa estado.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung ang pitong nasawi ay may kinalaman sa bagyo. RNT/JGC