Home HOME BANNER STORY Target ng 3M bagong botante malapit nang maabot ng Comelec

Target ng 3M bagong botante malapit nang maabot ng Comelec

MANILA, Philippines – Malapit nang maabot ng Commission on Elections (Comelec) ang target na 3 milyong bagong botante para sa susunod na midterm elections wala pang tatlong buwan pagkatapos ng pagpapatuloy ng rehistrasyon ng mga botante sa buong bansa.

Sinabi ni Comelec Chair George Erwin Garcia na ang poll body ay nakapagproseso na ng 2,548,324 na aplikasyon sa mga local election offices, satellite registration centers at “Register Anywhere Program” (RAP) stations sa buong bansa.

Ang Calabarzon ay nananatiling rehiyon na may pinakamaraming bilang ng mga aplikante, sa 466,768. Sinundan ito ng Metro Manila, 378,553; Central Luzon, 295,635; Central Visayas, 181,283; at Davao, 140,548.

Si Garcia, na bumisita sa voters’ education and registration fair sa Guimaras State University noong Biyernes, ay nagsabi na susubukan ng Comelec registration drive na maabot ang mga malalayong lugar at ang mga mahihinang sektor.

“We’re going to the remotest area to emphasize the Comelec is not selective in its registration drive, because all of us have the right to vote and equal opportunity to register,” sabi ni Garcia.

Inilabas rin ng Comelec ang opisyal na iskedyul para sa political parties at koalisyon na nais magparehistro at makilahok sa Bangsamoro Parliament election na gagawin din ang mid-term polls sa Mayo 12, 2025.

Ang panahon upang naghain para sa registration of accreditation ng regional parliament political parties at sectoral organizations ay itinakda mula May 15 hanggang June 7.

Bangsamoro elections

Ang huling araw ng pagsusumite ng sworn information update statement ng mga rehistradong partido political sa Political Finance and Affairs Department ng Comelec ay Agosto 15.

Sa Agosto 15 din ang huling araw para maghain ng petisyon para sa pagpaparehistro o akreditasyon ng mga koalisyon habang ang huling araw para maghain ng mga manifestations ng intensyon na lumahok sa parliamentaryong halalan ng mga kinatawan ng partido ay sa Agosto 30. Jocelyn Tabangcura-Domenden