Home METRO Pasay police tree house pinasinayaan

Pasay police tree house pinasinayaan

MANILA, Philippines – Pinangunahan ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang pagpapasinaya ng police tree house na maituturing na isang mahalagang milestone patungo sa pagiging mapayapa at pagkakaisa sa lungsod.

Kasabay nito ay nagsagawa ng misa si Reverend Father Noel Magbanua ng Our Lady of Sorrows Church na sinundan ng pagbebendisyon ng police tree na matatagpuan sa mismong harapan ng police headquarters nitong Biyernes, Mayo 3.

Ayon kay Calixto-Rubiano, ang police tree house na naitayo sa ilalim ng pamumuno ni city police chief P/Col. Mario Mayames, Jr. ay magsisilbing simbolo ng pagkakaisa ng lokal na pamahalaan, kapulisan, at ng mga institusyon ng relihiyon para sa kapakinabangan ng komunidad.

“Ang tingkad ng kulay at taas ng tree house na ito ay magandang mga simbolismo sa ating pagbibigay serbisyong pampubliko. Ang tingkad ng kulay ay magpapa alala sa ating lahat na whatever comes our way, may it be missteps, challenges, and obstacles, kayang kaya natin ito lagpasan. Dahil at the end of the day, the future is still as bright as ever, as bright as the colors of this tree house,” ani Calixto-Rubiano.

Ani naman ni Mayames, ang pagtatayo ng naturang tree house ay sumisimbolo rin ng pangako ng kapulisan na makapagkaloob ng mas malawak at tapat na pagseserbisyo upang mapanatili ang katahimikan at kaligtasan sa lungsod. James I. Catapusan