Home NATIONWIDE 89K boboto sa plebisito sa paglikha ng 8 bagong bayan sa BARMM...

89K boboto sa plebisito sa paglikha ng 8 bagong bayan sa BARMM – Comelec

MANILA, Philippines – Inaasahang boboto ang 89,500 indibidwal para sa pagbuo ng walong bagong munisipalidad sa Bangsamoro Special Geographic Area, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Sinabi ni Comelec spokesperson Rex Laudiangco sa panayam ng Bagong Pilipinas Ngayon, na ang voting period ay mula alas-7 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon sa Abril 13, Sabado.

Ang plebisito ay para sa pagtatatag ng mga mungkahing munisipalidad ng Pahamuddin, Kadayangan, Nabalawag, Old Kaabakan, Kapalawan, Malidegao, Tugunan at Ligawasa.

Ayon kay Laudiangco, ang susunod na hakbang ay ang pagbuo ng independent entity ng kani-kanilang munisipyo kung saan sila mangangasiwa rito, at sa 2025 ay maghahalal na rin ng kanilang mga opisyales.

Sinabi ni Laudinagco na magsasagawa ang Comnelec ng unang command conference kaugnay sa plebisito sa Lunes, upang malaman ang kahandaan ng poll body at kanilang partner agencies.

Umaasa si Laudiangco na mananaig ang maayos na peace and order situation dahil sa nagdaang 2022 election at barangay and SK elections, ang nasabing mga lugar ay walang naranasang election related violence o election-related incidents.

Samantala, sinabi ni Laudiangco na hanggang noong Biyernes ay nakatanggap na ang komiyson ng 911,000 aplikante sa panahon ng voter registration. Sa 911,000, sinabi ni Laudiangco na 5,000 dito ay mga bagong botante. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleEconomic Cha-cha inaprubahan ng Kamara
Next articleFrozen body parts na itinapon sa NBI office, sangkot sa illegal na droga