Home HOME BANNER STORY Economic Cha-cha inaprubahan ng Kamara

Economic Cha-cha inaprubahan ng Kamara

MANILA, Philippines – Inaprubahan na ng House Committee of the Whole nitong Miyerkules, Marso 6, ang Resolutions of Both Houses No. 7 (RBH 7), na naglalayong amyendahan ang
1987 Constitution sa pagpayag sa mas mataas na foreign ownership ng iba’t ibang mahalagang industriya.

Ito ay matapos na aprubahan sa pamamagitan ng voice vote ng House plenary, ang mosyon na isinagawa ni House Deputy Majority Leader Neptali “Boyet” Gonzales II.

Ang Charter amendments sa ilalim ng RBH 7 ay nagpapagaan sa 40%-foreign ownership limit sa edukasyon, public utilities, at advertising sectors sa pagdaragdag ng katagang “unless provided for by law.”

Isa sa mga mambabatas na bumoto ng “no” ay si Kabataan party-list lawmaker Raoul Manuel, na nagsabing ang foreign capital ay hindi isang magic wand na gagamot sa matagal nang problema ng lipunan, ang unequal opportunities.

“The approval of economic Cha-cha is based on this belief, or dogma, that competition [from foreign companies] will improve our economy. This dogma rejects that fact that there is an uneven playing field worldwide and here in our country,” ani Manuel.

“The free market is not as free as we want it to be. The government should protect the disadvantaged, at hindi gastos lang ang nararapat na suporta sa small business, education, research at technological advancement,” dagdag ni Manuel.

Inaprubahan ng Kamara ang RBH 7 matapos ang anim na araw na deliberasyon. RNT/JGC

Previous articleMga barko ng China nagpasaway din sa Vanuatu!
Next article89K boboto sa plebisito sa paglikha ng 8 bagong bayan sa BARMM – Comelec