Home NATIONWIDE Mga barko ng China nagpasaway din sa Vanuatu!

Mga barko ng China nagpasaway din sa Vanuatu!

VANUATU – Anim na fishing boats ng China ang napag-alamang lumalabag din sa fisheries law ng Vanuatu matapos na inspeksyunin ng local police na sakay ng kauna-unahang US Coast Guard boat na nagpapatrol sa katubigan ng naturang bansa.

Kabilang dito ay ang bigong pagrerekord ng China ng mga isdang nahuli sa kanilang log book.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ininspeksyon ng local police ang mga barko ng China sa exclusive economic zone ng Vanuatu.

Ang isa sa mga barko ng China na lumabag sa batas ay pag-aari ng Chinese state-owned company na CNFC Overseas Fisheries, na may joint venture sa pamahalaan ng Vanuatu.

Ayon kay Yakar Silas, principal monitoring, control and surveillance officer ng Vanuatu Fisheries Department, ipinadala na sa ilang Chinese companies at local agents sa Vanuatu ang penalty notices sa mga lumabag.

Karamihan sa mga paglabag ay ang pangingisda ng mga Chinese fishing fleets sa dagat ng Vanuatu.

“The patrol gave the opportunity to inspect foreign vessels that are fishing in Vanuatu waters and not coming into port and offloading their catch into foreign ports, for example Fiji,” dagdag ni Silas.

“They are all Chinese vessels.”

Walang tugon ang embahada ng China sa Vanuatu at Fiji kaugnay nito. RNT/JGC

Previous articleDesisyon ng SC sa pagbabawal sa mga LGU na mag-isyu ng violation tickets, pag-aaralan ng MMDA
Next articleEconomic Cha-cha inaprubahan ng Kamara