MANILA, Philippines – Nilinaw ng Highway Patrol Group na hindi sila maaaring arkilahin bilang road escorts, ito ay makaraang sabihin ng isang social media influencer na kumuha ang kanyang asawa ng motorcycle police para makaiwas ito sa matinding daloy ng trapiko.
Ayon sa HPG, hindi nito kukunsintihin ang mga tauhan na sumasalisi bilang bayarang private traffic escorts, na
“strictly against our existing protocols and regulations” sabay sabing biniberipika pa rin nila ang report.
Sa Instagram story kasi ng naturang influencer, sinabi nito na binigyan siya ng security escort ng kanyang asawa upang hindi siya maantala sa traffic.
“We will file the necessary cybercrime-related offenses [against] those individuals who will post any malicious statement that will malign/tarnish the image of the HPG and the possible criminal and administrative charges for our personnel,” saad sa pahayag ng Highway Patrol Group.
Bagamat labag ito sa kanilang regulasyon, marami pa rin umanong mga pulis, kabilang ang mula sa HPG, ang nahuhuli sa pagiging unauthorized security escorts. RNT/JGC