MANILA, Philippines – Naghain ng isang panukalang batas si Senate President Francis Escudero na naglalayong parusahan ang sinumang gumagamit ng artificial intelligence sa pagkakalat ng fake news, panloloko, at pang-eendorso sa pekeng produkto.
Sa isang pahayag, sinabi ni Escudero na sobra na ang pagkalat ng paggamit ng AI-generated content na sinasamantala ng ilan para sa pagpapalaganap ng fake news, panlilinlang, at pagbebenta ng pekeng produkto.
Inihain ni Escudero ang Senate Bill No. 782 o ang panukalang Physical Identity Protection Act, na naglalayong magtakda ng parusang kulong, mabigat na multa, at permanenteng diskwalipikasyon sa paghawak ng pampublikong posisyon sa sinumang mapatutunayang gumamit ng AI sa maling paraan.
“Used properly, AI could serve as a powerful tool for education, business, and other fields for improving productivity, research, and finding solutions to complex problems. However, the reality is that AI is being exploited by some to cause personal harm or undermine public trust,” ayon kay Escudero.
Sinabi pa ni Escudero na “under the bill, any person who creates, generates, publishes, or distributes media content that uses an individual’s physical attributes—without their consent—shall be criminally liable, regardless of the platform or point of access.”
“Marami na tayong nakikitang pulitiko o negosyante na parang may ineendorso, pero peke pala. Ginagamit lang ang imahe nila gamit ang AI, na walang pahintulot,” babala ni Escudero.
Ayon kay Escudero, nahaharap ang lalabag sa mga sumusunod:
One to two years imprisonment, o multang hanggang PHP200,000, o pareho;
Two to four years imprisonment, o multang PHP200,000 hanggang PHP400,000, o pareho, kung ito’y ginawa para sa pinansyal na pakinabang;
Four to six years imprisonment, o multang PHP400,000 hanggang PHP600,000, o pareho, kung ginamit upang maisakatuparan ang isang krimen o panloloko;
Hanggang 12 taon ng pagkakakulong, o multang PHP600,000 hanggang PHP1 milyon, o pareho, kung ginawa para sa kita at upang magsagawa ng panloloko o ibang krimen.
“If the offender is a public official or employee, the bill imposes perpetual disqualification from holding public office, in addition to the maximum penalties,” giit ng senador.
“Exemptions would apply in cases of good faith, such as for media reportage, academic research, documentary work, and public interest disclosures,” paliwanag pa niya.