MANILA, Philippines – Dapat manguna ang gobyerno sa renewable energy.
Ito ang basehan ni Abra Rep. JB Bernos sa paghahain ng House Bill 3126 o On-Grid Solar Energy Systems Bill na magmamandato ng pagtatayo ng on-grid solar energy systems sa lahat ng national at local government-owned buildings at offices.
“If we are to succeed in the shift towards renewable energy, government itself should show that RE is a viable and reliable option. On-grid solar energy systems are practical and have an immediate impact not only on electricity cost but also on public sector carbon emissions,” paliwanag ni Bernos.
Sa oras na maipasa ang panukala, dapat tiyakin ng mga government agencies na 20 percent ng kanilang average monthly utilization (AMU) ay magmumula sa on-grid solar energy systems sa unang taon ng operasyon nito, 40 percent sa ikalawang taon, 60 percent sa ikatlong taon, 80 percent sa ikaapat, at 100 percent sa ikalimang taon.
Ipinaliwanag ni Bernos na ang lifespan ng mga solar panel ay 25 hanggang 30 taon, kaya maituturing itong long-term investment na may malaking environmental at economic benefits.
Maliban sa mga government offices, hinihikayat din ni Bernos ang mga kabahayan na mag-invest na sa solar energy dahil sa malaking matitipid. RNT