Home NATIONWIDE Paggamit ng water cannon vs pambubully ng China, hirit ni Padilla

Paggamit ng water cannon vs pambubully ng China, hirit ni Padilla

Iminungkahi ni Senador Robin Padilla sa administrasyon na gumamit din ng water cannon laban sa pambubully ng China sa Philippine Navy at Philippine Coast Guard na naghahatid ng supplies sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Ganito ang pahayag ni Padilla matapos muling mambully ang China sa PCG na binomba ng tubig ng Chinese Coast Guard sa West Philippine Sea (WPS).

Napaulat na binubuntutan ng CCG ang barko ng National Mapping and Resource Information Authority, ang BRP Hydrographer Ventura at escort nitong Philippine Coast Guard BRP Gabriela Silang patungo sa Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal) nitong Linggo.

“Lagi ko sinasabi lalo sa BRP Sierra Madre pag nagkakaroon ng pagdadala ng supply, binobomba sila ng tubig. Ilang beses ko nang sinabi, bakit hindi tayo mambomba din ng tubig?” ayon kay Padilla sa press sa Senado.

Tinutukoy ni Padilla ang World War II-era ship na nakahimpil sa Ayungin Shoal noong 1999 upang magsilbi bilang Philippine military outposts doon.

“Bakit tayo na lang lagi ang mukhang aping-api dun. Bakit, wala ba tayong pambomba ng tubig para makaganti man lang tayo?” anang senador.

Ngunit, naunang ibinasura ng Philippine Coast Guard earlier ang panukala ni Padilla laban sa China.

“Unlike the Chinese Coast Guard, we’re not going to use that (water cannons) to drive away the China Coast Guard,” ayon kay Philippine Coast Guard spokesperson for WPS Commodore Jay Tarriela.

“We intend to use that in firefighting whenever there is a maritime accident at sea,” giit pa niya.

Sinabi pa n Padilla na hindi na bago ang maneuvering dahil siya mismo ang nakasaksi nang bisitahin nito ang Pagasa island noong nakaraang taon.

Pero, hindi sila pumayag na harangin sila ng China.

“Kaya yung mga ganyang paghaharang sa inyo huwag kayo pumayag. Puwede kayo umiwas at nagawa ko yan,” aniya.

Pero, biglang kumambiyo si Padilla laban sa paggamit ng water cannon dahil marami nang sigalot na nangyayari sa ilang bahagi ng mundo tulad sa Middle East at Eastern Europe.

“Daananin natin ito sa usapin ng diplomasya,” aniya. Ernie Reyes