Home HOME BANNER STORY Paggawad ng executive clemency kay Jed Mabilog kinumpirma ng Malakanyang

Paggawad ng executive clemency kay Jed Mabilog kinumpirma ng Malakanyang

MANILA, Philippines- Kinumpirma ng Malacañang nitong Lunes na ginawaran ni Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. ng executive clemency si dating Iloilo City mayor Jed Mabilog.

”Yes, that’s true,” pahayag ni Executive Lucas Bersamin nang hingan ng kumpirmasyon ukol dito.

Subalit, hindi pa naglalabas ng detalye ang Malacañang kung anong kaso ni Mabilog ang ginawaran ng executive clemency.

Matatandaang Setyembre ng nakaraang taon nang magpiyansa si Mabilog sa graft charges na inihain laban sa kanya.

Noong 2023, nagsampa ang Office of the Ombudsman ng graft charges laban kay Mabilog at sa konsehal na si Plaridel Nava II sa Sandiganbayan dahil sa umano’y interbensyon nila sa paggawad ng government contract sa isang towing services firm kung saan mayroon umanong interes ang mga ito.

Isinama ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Mabilog sa kanyang drug watch list noong 2016. Mariin namang nanindigan si Mabilog na inosente siya, iginiit na ang pagkakasama niya sa listahan ay “very unfortunate and disconcerting.” RNT/SA