Home ENTERTAINMENT Paghalik ni Kobe kay Kyline, ‘di raw malaswa!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Paghalik ni Kobe kay Kyline, ‘di raw malaswa!October 21, 2024 10:58 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Hindi malaswa. Hindi bastos.Bagkus wholesome.Ganito ilarawan ang mga pakilig moments ng rumored couple (pa rin bang matatawag?) na sina Kyline Alcantara at Kobe Paras.Ang latest, magkasama ang dalawa sa isang brand launch just recently.Clingy kung clingy ang “arrive” ni Kobe na konting kibot ay nakaalalay kay Kyline.Naroong panay ang gawad ng halik ni Kobe sa rumored girlfriend–sa noo, ulo at pisngi.Despite their PDA, most netizens see nothing vulgar or distasteful about it.Kung tutuusin pa nga raw, sa pagka-wholesome ng mga sweet moments ng dalawa’y hindi sila nakakasawang panoorin.Napa-“Sana all!” nga ang isang netizen who wishes all guys were exactly like Kobe–wapakels.Maging ang ina nga ni Kobe na si Jackie Forster ay walang magawa.She could only post: “My baby is so pogi! You too!”Fans and supporters alike of Kyline and Kobe can only hope na tumagal ang kanilang relasyon na obyus naman kahit wala man silang pag-amin.Napagtanto rin ng mga ito that between the two ay si Kobe ang mas in love kay Kyline than Kyline is to Kobe.Well… Ronnie Carrasco III