Home NATIONWIDE Walang pulitika sa Blue Ribbon probe vs Duterte drug war – Pimentel

Walang pulitika sa Blue Ribbon probe vs Duterte drug war – Pimentel

162
0

MANILA, Phjilippines- Tiniyak ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III na hindi hahaluan ng pulitika ang imbestigasyon na isasagawa ng Senate Blue Ribbon committee sa drug war na inilunsad ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Pimentel, Senate Blue Ribbon Subcommittee chairman, na habang hindi pa nagiging pinal ang rules na gagamitin, itutuon ng komite ang imbestigasyon kung meron o wala talagang patakaran ang estado na pumatay ng sangkot sa illegal drugs.

“I’m really objective and I’m fair, and then I will follow the evidence. Hindi ko hahaluan ng politika ‘to, so ebidensya lang po tayo, “ ayon kay Pimentel.

“The war on drugs, the 6,000 to 30,000 alleged victims, and then was there really a state policy na patayin ang mga involved sa drugs [to kill those involved in drugs]? ‘Yun po ang ating ide-determine,” dagdag niya.

Lumitaw sa tala ng gobyerno na umabot lamang sa 6,200 drug suspect ang napatay sa operasyon ng pulisya na dating pinamumunuan ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa mula June 2016 hanggang November 2021.

Pero, iniulat ng ilang human rights groups na aabot sa mahigit 30,000 ang napatay na hindi naire-report ang karamihan at ilang inosenteng sibilyan at menor-de-edad tulad ni Kian Delos Santos na pinatay ng pulis ng Caloocan City sa C-3 road kahit nagmamakaawa na.

Naunang inihayag ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na tanging ang Blue Ribbon Committee ang pinili ng miyembro ng Senado na mag-imbestiga sa drug war taliwas sa kagustuhan ni Dela Rosa na siya mismo ang mag-imbestiga sa sarili.

“Blue Ribbon Committee lamang at hindi lahat ng komite upang mapagbigyan ‘yung nais sana ni Senator Bato na mag-hearing habang recess kami,” ayon kay Escudero.

Siinabi ng komite na pinamumunuan ni Senador Pia Cayetano na nakahanda nang tawagin ang lahat ng resource person na iimbitahan kabilang si dating Pangulong Duterte at igagalang ang pagdalo nina Senador Bong Go at Dela Rosa. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here