Home ENTERTAINMENT Paghalik ni Robin sa OFW sa Netherlands, nag-viral!

Paghalik ni Robin sa OFW sa Netherlands, nag-viral!

The Hague, Netherlands – Viral ngayon sa X (dating Twitter) ang video kung saan hinalikan ni Senator Robin Padilla ang isang Pinay OFW sa The Netherlands.

Nagkataong DDS o Diehard Duterte

Supporter din pala ang ating kababayan.

Matatandaang sinamahan ng aktor-pulitiko si Vice President Sara Duterte sa nasabing bansa kung saan nililitis ang kanyang ama kaugnay ng mga umano’y crimes against humanity sa ilalim ng kanyang termino bilang Pangulo.

Balitang dalawang linggo pa raw mananatili sa The Netherlands si Robin.

Tampulan tuloy ng tuksuhan at biruan si Robin.

Napakalamig daw kasi ngayon ang klima doon.

Dahil dito’y nais daw “mainitan” ni Robin na hindi na nakapagpigil.

Unang naisip ng mga netizens ay ang reaksyon ng misis nitong si Mariel Rodriguez.

Ito’y lalo pa’t mismong si Mariel na rin ang nagsabing her husband is trying very hard to stay loyal and faithful to her.

In defense naman of Robin, hindi dapat kakitaan ng malisya ang eksenang ‘yon.

Hindi rin ganoon kababaw si Mariel para isiping pagtataksil ang ginawa ni Robin sa kanya. Ronnie Carrasco III