Home METRO Pateros most wanted timbog sa kasong rape

Pateros most wanted timbog sa kasong rape

MANILA, Philippines- Sa ikinasang operasyon ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ay nadakip ang top 1 most wanted person (MWP) ng Pateros police nitong Biyernes ng hapon, Marso 21.

Sa report na isinumite ng Pateros police kay Southern Police District (SPD) director PBGen Manuel Abrugena ay kinilala ang inarestong suspek na si alyas Ragrag, 30, construction worker at residente ng Santos St., Sta. Ana, Pateros, Metro Manila.

Ayon kay Abrugena, nadakip ang suspek bandang ala-1:30 ng hapon sa Luna Compound, Sta. Ana, Pateros.

Ang pag-aresto sa suspek ng WSS, sa pakikipag-ugnayan sa Naval Intelligence and Security Group (NISG), ay naisakatuparan sa bisa ng isinilbing warrant of arrest na inisyu nitong nakaraang Marso 14, 2025 ni Pasig Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Joy N. Casihan-Dumlao ng Branch 262.

Si alyas Ragrag ay nahaharap sa kasong rape by sexual assault sa ilalim ng Criminal Case No. 162319-PAT kung saan may kaakibat na kautusan ang korte na pagkalooban ang akusado ng piyansang P120,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Pateros police ang suspek habang naghihintay ng commitment order ng korte na mag-uutos sa kanyang palipat ng kulungan. James I. Catapusan