Home NATIONWIDE Pagharas sa miyembro ng NPA na nahuli sa Mindoro, itinanggi ng PH...

Pagharas sa miyembro ng NPA na nahuli sa Mindoro, itinanggi ng PH Army

145
0

MANILA, Philippines – Itinanggi ng militar ang mga alegasyong tinorture, inintimida, o hinarass si Charlize Cameron Garzon, ang umano’y New People’s Army (NPA) rebel na nahuli sa Occidental Mindoro.

Ayon sa 2nd Infantry Division (2ID) ng Philippine Army, nahuli si Garzon sa isang lehitimong armed encounter sa Barangay Monteclaro, San Jose noong Marso 29.

Giit ng militar, nakaranas lamang umano si Garzon ng minor scratches at kagat ng lamok habang nasa masukal na kagubatan at agad siyang dinala sa pulisya para sa medical check-up.

“Throughout the process, government troops ensured that all standards on human rights and proper handling of detained individuals were strictly followed,” ayon sa 2ID.

Ayon pa sa ulat, nakipag-ugnayan na rin si Garzon sa kanyang pamilya matapos niyang ibigay ang kanyang pagkakakilanlan.

Naglabas din ang 203rd Infantry Brigade ng mga larawan kung saan makikitang kasama niya ang kanyang ina at kapatid habang sumasailalim sa medical at psychological evaluation, at gumagamit ng cellphone upang makausap ang pamilya.

May iba pang larawan na nagpapakita umano sa kanya na kumakain, nagdarasal, at nakikipag-ugnayan sa mga sundalo.

Samantala, sinabi ng militar na si Garzon ay itinuturing na pangunahing suspek sa pagkamatay ni Army Capt. Dean Buen Oyando sa parehong insidente, kung saan dalawang sundalo rin ang nasugatan.

Hinimok ng militar ang publiko na hayaang dumaan sa tamang legal na proseso ang kaso at igalang ang due process habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here