Home NATIONWIDE Paghihiwalay ng Mindanao sa Pilipinas, mahigpit na tinutulan ng DOJ

Paghihiwalay ng Mindanao sa Pilipinas, mahigpit na tinutulan ng DOJ

MANILA, Philippines – Mariing tinutulan ng Department of Justice ang isinusulong ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na maihiwalay ang Mindanao sa iba pang bahagi ng bansa.

Sa ipinalabas na pahayag ng DOJ, nanindigan ang kagawaran na tutulan ang alinmang mga hakbang na magkaroon ng pagkakawatak-watak ng bansa.

Ang paghihiwalay ng Mindanao o alinmang bahagi ng bansa ay kontra sa prinsipyo ng demokratikong lipunan na nakasaad sa Article II, Section 2 ng Saligang Batas at bilang pangunahing law agency ng executive branch ng pamahalaan ay nanindigan ang DOJ na protektahan ang soberanya kasabay ng paninindigan sa kasagraduhan ng Konstitusyon.

Kaugnay nito’y nanawagan ang DOJ sa mamamayan na tutulan ang alinmang mga hakbang at idolohiya na magdudulot ng pagkakawatak-watak ng bansa. Teresa Tavares

Previous article2 pulis pinatawan ng contempt ng Kamara
Next articleProyektong magsusulong sa competitiveness ng negosyo at mga manggagawa, suportado ng DOLE