Home NATIONWIDE 2 pulis pinatawan ng contempt ng Kamara

2 pulis pinatawan ng contempt ng Kamara

MANILA, Philippines – Dalawa pang pulis ang pinatawan ng contempt charges ng House Committee on Public Order and Safety dahil sa pagbibigay ng magkakaibang impormasyon kaugnay sa isinasagawang congressional hearing sa unlawful arrest, arbitrary detention at robbery sa apat na Chinese national sa Parañaque noong Setyembre ng nakaraang taon.

Ang dalawang pinatawan ng contempt ay sina PBGEN Roderick D. Mariano, dating Director ng PNP-Southern Police District (SPD) at PCOL Charlie Cabradilla, dating comptroller head ng SPD.

Ayon kay Deputy Majority Leader Erwin Tulfo, malinaw na nagtatakip ang dalawa kaugnay sa naganap na insidente kaya naman nagmosyon ito kay House Committee on Public Order and Safety Chairman Sta. Rosa, Laguna Representative Dan Fernandez na patawan ng contempt ang dalawa.

“Sir, let us cite these people in contempt. Perhaps those six individuals currently detained below are feeling sad; maybe they want to have a party. I suggest including Gen. Mariano and other officers so they can have a party there until they realize that they are lying,” pahayag ni Tulfo.

Sumang-ayon naman sina Fernandez, Antipolo Rep. Romeo Acop, 1-Rider Partylist Rep. Bonifacio Bosita at Abang Lingkod Partylist Rep. Joseph Stephen Paduano sa mosyon ni Tulfo.

Iminungkahi ni Paduano na ikulong ang dalawa ng 30 araw.

Ang anim na pulis na una na ring pinatawan ng contempt kaugnay sa nasabing insidente ay 15 araw na ipinakukulong, bunga nito, sinuhestiyon ni Tulfo na dagdagan ang kanilang araw ng 15 araw pa.

“It would be unfair if we are putting Gen. Mariano and Col. Cabradilla on a 30-day arrest while the others are only given 15 days, and yet they are the primary liars. It’s unjust. It’s clear that they are lying to our faces. Why are we only giving them two weeks? We might as well give them another two weeks,” giit ni Tulfo.

Sinang-ayunan naman ni Fernandez ang 15 araw pang pagkakulong sa anim na pulis na sina PMaj Jason Quijana, PMaj John Patrick Magsalos, Pssg Mark Democrito, Pssg Roy Pioquinto, Pssg Danilo Desder at PltCol Jolet Guevarra. Gail Mendoza

Previous articleLalaki todas sa saksak ng kelot na naingayan sa kanta
Next articlePaghihiwalay ng Mindanao sa Pilipinas, mahigpit na tinutulan ng DOJ