Home NATIONWIDE Paghikayat ni PBBM sa mga Pinoy na bumoto inaasahan ng Comelec chief...

Paghikayat ni PBBM sa mga Pinoy na bumoto inaasahan ng Comelec chief sa SONA 2024

139
0

MANILA, Philippines- Umaasa ang Commission on Elections (Comelec) na hihikayatin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga Pilipino na gamitin ang kanilang karapatang bumoto sa midterm elections sa susunod na taon sa kanyang State of the Nation Address (SONA).

Sinabi ni Comelec chairperson George Erwin Garcia na umaasa siya sa kahit isang salita mula sa Punong Ehekutibo tungkol sa usapin, gayundin ang panawagan sa mga tao na iparinig ang kanilang mga boses sa pamamagitan ng pagboto.

Inihayag ni Garcia na nasa paghahanda sila para sa sabayang botohan sa susunod na taon– ang midterm elections at ang unang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) parliamentary polls.

Samantala, sinabi ni Garcia na titingnan nila ang Election Day Computerized Voters List (EDCVL) sa huling dalawang halalan sa Bamban, Tarlac, kaugnay ng imbestigasyon nito sa posibleng poll offense case laban kay suspendidong Mayor Alice Guo.

Ayon kay Garcia, ang mga dokumentong ito ay tutukuyin kung may materyal na misrepresentation na ginawa. Ang EDCVL ay isang listahan kung saan nilalagdaan at inilalagay ng mga botante ang kanilang mga thumbmark sa araw ng halalan. Naglalaman din ito ng serial number ng mga ginamit na balota upang patunayan na ang isang tao ay bumoto.

“Dapat ang pagsisinungaling ay material sa kanyang tiknatakbuhan. Ano ba mga yun? Edad, citizenship, residency, registration, at literacy.

Kapag nagsabing Filipino siya ‘yun pala hindi, misrepresentation yun. Nasa tamang edad, yun pala hindi, misrepresentation. Yan ay pagsisinungaling sa qualification sa opisina,” paliwanag ni Garcia.

Sinabi ni Garcia na inaasahan nilang ilalabas ang rekomendasyon ng team bago ang paghahain ng certficates of candidacy sa Oktubre. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here