Home NATIONWIDE Paghina ng 19 guerilla fronts, strategic victory- NTF-ELCAC

Paghina ng 19 guerilla fronts, strategic victory- NTF-ELCAC

ITINUTURING ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na isang “strategic victory” ang kawalan ng kakayahan o panghihina ng guerilla fronts na maglunsad ng giyera.

Sa idinaos na Saturday News Forum sa Quezon City, sinabi ni NTF-ELCAC director Alexander Umpar na nalansag ng pamahalaan ang 69 mula sa 89 guerilla fronts simula nang itatag ang task force noong 2018.

Aniya, tanging isa sa natitirang 20 guerilla fronts ang aktibo habang 19 na iba pa ang mahina na.

“‘Pag sinabi nating strategic victory, ito na ‘yung 19 weakened guerilla fronts at isa na lang ‘yung kinu-kompronta ng AFP (Armed Forces of the Philippines,” ayon kay Umpar.

“May mga concerns pa rin sa armed [groups] pero hindi na sila nakakapag-initiate ng armadong pakikibaka or to [topple] down our government. So, ‘yun ‘yung strategic victory,” aniya pa rin.

Gayundin, kumpiyansa namana si NTF-ELCAC director Jose Descallar na mapananatili ng gobyerno ang peace-building efforts nito para makahikayat pa ng mas maraming rebelde na makisalamuha o muling sumama sa lipunan.

Sa kabilang dako, hinikayat naman nito ang mga rebelde na sumuko at sumama sa gobyerno sa layunin nito na i- transform ang bansa sa “ Bagong Pilipinas.”

Winika naman ni Director Emmanuel Santos Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity na ang pagsasagawa ng localized peace engagements ay isang patunay na “most effective” approach sa pagtugon sa communist insurgency.

“Kaya po natin nilo-localize na ‘yung pakikipag-usap, para po mas malapit na sa tao ‘yung maparamdam po na nandito po ‘yung gobyerno talaga,” ayon kay Santos.

Dapat aniya na may “clear directions” upang mapanatili ang “full reintegration” ng mga former rebels (FRs) sa mainstream society.

Ibinahagi naman ni Umpar na ngayong taon, may kabuuang 959 villages na na-clear sa insurgency threats ang kasama sa Barangay Development Program (BDP), isang inisyatiba na naglalayong “to bring sustainable development programs to conflict-prone and conflict-affected communities.”
Sa ilalim ng BDP, ang bawat village recipient ay makatatanggap ng “package of programs, activities, and projects (PAPs) nagkakahalaga ng maximum na kabuuang P20 million.

“BDP beneficiaries in 2021 and 2022 were pegged at 822 and 1,406, respectively,” anito sabay sabing “NTF-ELCAC is bullish that by 2028, it would attain its goal of achieving lasting peace and development in areas that are vulnerable to armed conflicts.”

“‘By 2028 naman, ito ‘yung sustaining na ‘yung momentum ng gains ng NTF-ELCAC with regards to the dismantling of these guerilla fronts, the reintegration of our FRs, and most of all, building resiliency for our communities under the ambit of good governance towards the unity, peace and development,” aniya pa rin.

Winika pa ni Descallar na maaaring ilipat ng military ang pagtuon ng pansin nito sa “external threats,” sa ras na kaya na ng pamahalaan na tugunan ang local insurgency. Kris Jose