Home HOME BANNER STORY PNP gustong bigyan ni Bato ng kapangyarihan sa pagtatalaga ng local police...

PNP gustong bigyan ni Bato ng kapangyarihan sa pagtatalaga ng local police chief

MANILA, Philippines – Inihayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na kanyang tinitignan na maghain ng panukalang bigyan ng kapangyarihan ang Philippine National Police (PNP) na magtagala ng police chief sa lungsod at munisipalidad.

“Yung pagpili ng chief of police, provincial director dapat ilagay na lang yung power na yan sa PNP na lang,” ayon kay Dela Rosa sa interview ng DWIZ.

“Para wala talagang political color yung pagpili ng mga opisyales na hahawak sa mga istasyon o sa mga provincial command,” giit pa ng senador.

Sinabi ni Dela Rosa, dating hepe ng PNP na kasalukuyang pinag-aralan ang constitutionality ng panukala kaya nangangalap siya ng opinion mula sa eksperto kung puwedeng maghain ng ganitong bill.

Sa ngayon, nakatakda sa ilalim ng Section 63 ng Republic Act (RA) No. 8551 o ang “Philippine National Police Reform and Reorganization Act of 1998”, na may kapangyarihan ang alkalde ng lungsod at munisipliad na pumili ng chief of police sa kanilang lugar base sa limang pangalan na inirekomenda ng provincial police director, na galing mismo sa naturang lalawigan, lungsod at musipalidad.

Kamakailan, inimbestigahan ni Dela Rosa, bilang chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, ang pagpaslang kay 17-year-old Jerhode “Jemboy” Baltazar ng ilang tiwaling opisyal ng Navotas Police Station.

Sa Martes, Sept 5,. Nakatakdang simulant din ni Dela Rosa ang viral road rage na insidente sa Quezon City nitong Aug. 8 na kinasasangkutan ng isang siklista at dismiss na pulis na si Wilfredo Gonzales na nanutok ng baril sa kanilang komprontasyon.

Inamin ni Dela Rosa ns siya ang lumagda sa suspension order ni Gonzales na nagsasabing nananatili siyang PO1 o patrolman hanggang magretiro.

Aniya, naging hamon sa kanya na muling maibalik ang imahe ng pulisya na hindi lamang dudungis kay PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr. kundi maging sa buong organisasyon.

“Magtutulungan silang lahat, ‘di kakayanin ng Chief PNP na siya lang ang magsumikap,” ani Dela Rosa. Ernie Reyes