Home NATIONWIDE Pagiging burnout ng isang judge matutukoy na ng app

Pagiging burnout ng isang judge matutukoy na ng app

244
0

MANILA, Philippines – Maari nang malaman kung ‘burnout’ na ang isang kawani ng hudikatura sa pamamagitan ng isang app na dinisenyo para sa mga hukom at court staff.

Inilunsad ng Supreme Court (SC) ang Judicial Burnout Scale app for Filipino Judges para palakasin ang commitment ng SC sa usapin ng mental health.

Ginawa ang app ng SC Governing Council for Mental Health (GCMH) na pinangunahan ni Chief Justice Alexander G. Gesmundo.

Ayon sa World Health Organization, ang burnout ay isang syndrome sa lugar ng trabaho kung saan nakararanas ng sobrang pagod, hindi makafocus o malayo ang isip sa trabaho, at nabawasan ang pagganap sa tungkulin.

“For judges and court staff, burnout can impair judgment, decision-making, and well-being, ultimately threatening the fairness and integrity of the justice system.”

Sinabi ng SC na dahil sa makabagong tool na ito, malalaman agad kung malapit nang ma-burnout ang isang judge.

“This tool not only detects warning signs of burnout; it will also guide the Court in designing mental health programs, policy reforms, and interventions that promote our judges’ overall well-being.”

Ang naturang app ay magiging available sa mga judge sa buong bansa sa pamamagitan ng ipapadalang link ng SC.

Plano rin ng SC na magamit ang naturang tool ng lahat ng court personnel. Teresa Tavares

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here