MANILA, Philippines – NAKIISA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagdiriwang ng Al Isra Wal Mi’raj, araw ng Liggo, nagpahayag ng pag-asa na ang makahulugang Islamic event ay magbibigay inspirasyon sa pagkakaisa at pagsisikap sa bansa.
Ang okasyon, tanda ng Night Journey and Ascension of the Prophet Muhammad, ay panahon ng malalim na ‘spiritual reflection’ para sa Muslim community.
Sa kanyang naging mensahe, binigyang diin ni Pangulong Marcos ang ‘spiritual importance’ ng event, hinikayat ang mga mananampalataya na yakapin ang kahalagahan ng pagsisikap, pagiging masigasig, sakripisyo at pananampalataya.
“As you venerate this historic miracle through supplication and prayer, may its essence inspire among the Muslim faithful the value of perseverance through hardship and grief,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
“Let this observance also serve as a reminder that success is the reward of diligence and amity, and that sacrifice, persistence, and faith can guide us towards realizing our shared purpose in building a peaceful and progressive nation for all,” dagdag na wika nito.
Winika pa ng Pangulo na ang event ay sumisimbolo sa matatag na debosyon at spiritual resilience ng mga Muslim sa pagdakila kay Allah, All-Hearing at All-Seeing.
Ang Al Isra Wal Mi’raj ay itinuturing na pinaka-iginagalang na event sa Islam, sumisimbolo sa mahimalang paglalakbay ng Propetang Muhammad sa langit.
Ito ay pinaniniwalaan na isang pagsubok sa pananampalataya at isang ‘personal gift’ mula kay Allah sa Propeta, kumakatawan sa kanyang matatag na debosyon at spiritual resilience.
Sa nasabing event, sinasabing si Prophet Muhammad ay nakatanggap ng ‘divine revelations’, isang sandali na kinokonsidera na “greatest signs” at himala matapos ang Qur’an. Kris Jose