MANILA, Philippines – Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na mag-ingat sa maling impormasyon tungkol sa kasalukuyang lagay ng panahon habang nananalasa ang habagat.
Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., “Old photos and videos from previous typhoons had circulated online in the past and were presented as recent events.” Hinikayat niya ang publiko na maging maingat sa mga post na nagsasabing nagpapakita ng pinakabagong sitwasyon sa mga lugar na apektado ng habagat.
Ipinaliwanag ni Nartatez na ang fake news ay maaaring “[distort]… the situation on the ground… and cause unnecessary alarm.” Dagdag niya, “A number of kababayan need assistance and accurate information as a result of this calamity.”
Binigyang-diin din niya na “This should be the time for compassion and ‘bayanihan’, not the time for any motive-driven anger or any selfish interest.”
Sa nakaraang linggo, nagdulot ng malawakang pinsala ang habagat at ang mga bagyong Luis at Maymay (international name: Kujira) sa malaking bahagi ng Luzon at ilang lugar sa Visayas.
Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) hanggang 6 a.m. ng Agosto 11, umabot na sa 2.27 milyong tao ang naapektuhan sa NCR, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, at Cordillera Administrative Region. RNT/MDS