Home NATIONWIDE Nagkalat na kabaong sa iba’t ibang lugar sa MM: ‘di ikinatuwa ng...

Nagkalat na kabaong sa iba’t ibang lugar sa MM: ‘di ikinatuwa ng gobyerno, PNP

3
0

MANILA, Philippines – Hindi ikinatuwa ng gobyerno ang napaulat na nagkalat na kabaong na natagpuan sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila nitong Biyernes, Agosto 7.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, na hindi ikinatutuwa ng gobyerno at Philippine National Police (PNP) ang ganitong gawain lalo pa’t may freedom of expression naman sa bansa.

Sa ulat, isa kasi sa mga kabaong ay iniwan sa Boy Scout Circle sa Quezon City. Naglalaman ito ng mga larawan ng dalawang hindi pa nakikilalang indibidwal, poster na may nakasulat na “Chinese Communist Party”, “Greedy”, at “Salot”.

Kasama rin dito ang isang pulang bandilang may katagang “Chinese community”.

“Sinabi natin na mayroon lahat tayo ay may freedom of expression pero depende po kung ano ang inyong ipahihiwatig. Kung mayroong pang-aabuso, mayroon bang pananakot. kaya po yan ay iniimbestigahan ng PNP,” ani Castro.

At sa tanong naman kung may naiisip ba ang gobyerno kung sino ang nasa likod ng pagpapakalat ng mga kabaong na ito, ang tugon ni Castro ay ” personal, siyempre may naiisip ako pero hindi importante ngayon kung ano naiisip ko.”

Sa ulat, batay sa CCTV, dalawang lalaki at isang babae ang dumating sakay ng puting van bago iniwan ang kabaong.

Katulad na mga kabaong ang natagpuan din sa Makati, Caloocan, at Maynila.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya kung magkakaugnay ang mga insidente at sinusuri ang mga CCTV footage at iba pang ebidensya upang matukoy ang mga responsable. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here