Home METRO Senior sugatan sa snatcher sa Maynila

Senior sugatan sa snatcher sa Maynila

1
0
via MDRRMO

MANILA, Philippines – Isang senior citizen ang nagtamo ng pinsala sa ulo matapos madapa sa umano’y snatching sa Ramon Magsaysay Avenue, Sta. Mesa, Manila, noong gabi ng Agosto 10.

Batay sa paunang ulat, nadapa ang biktima matapos umanong hablutin ang kanyang bag. Agad na rumesponde ang Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) medical team.

Binigyan ng paunang lunas ang biktima bago dinala sa pinakamalapit na ospital para sa karagdagang gamutan.

Iniulat na rin ang insidente sa pulisya para sa imbestigasyon.

Hindi pa inilalabas ng mga awtoridad ang kalagayan ng biktima at hindi pa rin nakikilala ang suspek sa umano’y snatching. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here