Home ENTERTAINMENT Pagkakaroon ng anak nina Xian at Louise, fake news!

Pagkakaroon ng anak nina Xian at Louise, fake news!

Manila, Philippines – Mariing kinundena ng Viva Artist Agency o VAA ang ibinalita ng isang online site na may anak sina Louise de los Reyes at Xian Lim.

Kapwa mina-manage ng VAA sina Louise at Xian.

Unang nagtambal ang sinasabing couple noong 2019 sa pelikulang Hanggang Kailan.

Nakapagtatakang it’s been six years ay saka lang lumabas ang pekeng balita.

Bale ba, obyus na clickbait ito.

Para palabasin ngang may katotohanan ang balita ay gumamit pa ang online site ng inosenteng bata.

Sa ngayon ay burado na ang naturang site.

Ayon sa VAA sa opisyal na pahayag nito, not only is its news false, it is in fact also libelous.

Tulad ng alam ng lahat, masaya ngayon si Xian sa nobya niyang si Iris Lee, gayundin si Louise sa kanyang non-showbiz partner. Ronnie Carrasco III