MANILA, Philippines- Hindi na kakailanganin ng visa ng mga Pilipinong nais bumiyahe patungong Taiwan hanggang 2026, ayon kay Taiwan’s Minister of Foreign Affairs Lin Chia-lung nitong Biyernes.
Inanunsyo ng Taiwanese official ang extension of the visa exemption para sa mga Pilipino sa Philippine Independence Day event sa Taipei, ayon sa ulat.
Kasalukuyang umiiral ang visa-free privilege policy para sa mga Pilipino na matatapos na sana sa July 31, 2025.
Sa ilalim ng nasabing visa-free privilege policy, pasok ang mga Pilipinong may trip duration na hanggang 14 araw sa visa exemption. Subalit, ang mga Pilipinong may diplomatic o official/service passports ay hindi kabilang sa visa exemption.
Nagpatuloy ang visa-free program para sa mga Pilipino noong Sept. 29, 2022.
Una itong itinakdang matapos noong July 31, 2023, subalit pinalawig hanggang July 31, 2024. RNT/SA