MANILA, Philippines- Kinondena ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang hindi makataong pagtrato sa mga person with disability (PWD) na sumasakay sa public transportation.
Dahil dito, nangako ang DSWD na tutulong itong mapanagot ang may sala.
Sinabi ni DSWD’s Crisis Intervention Program (CIP) Director Edwin Morata na ang video ng pag-atake na kumakalat sa social media ay malinaw na nagpapakita ng pagkabahala sa mga PWD at agresyon ng mga salarin.
“It is inhumane and must be dealt with by the law,” ang sinabi ni Morata.
“Walang anumang excuse ang ginawa nilang pambubugbog sa nakikita naman nilang person with disability at alam nilang nangangailangan ng unawa. Hindi makatao ang gawaing ganun. Hindi lang isa, tinadyakan, sinusuntok pagkatapos ay inelectrocute pa,” anito.
Sinabi ng DSWD na ang persons with disability ay isa sa itinuturing na ‘most vulnerable groups’ sa lipunan at nasa ilalim ng pangangasiwa ng estado.
“Government is exerting all efforts to ensure that the persons with disability sector are provided with the needed assistance to help protect their rights, welfare, and lead them to development. Violent actions against any member of the sector set us back in achieving our goal of giving them a chance to nation building,” ang sinabi ni Morata.
Sa ilalim ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang ahensya ng gobyerno ay naglalayong magbigay ng whole-of-government approach para protektahan at isulong ang kapakanan ng persons with disability.
May mandato na pangalagaan at protektahan ang karapatan ng vulnerable sectors, ang DSWD ngayon ay nakikipagtulungan para mahanap ang biktima para sa probisyon ng nararapat na tulong at interbensyon.
“Maliban sa tinamo niyang injury, kakailanganin din ang assistance upang matulungan siyang iprocess ang trauma mula sa pangyayari,” ani Morata.
Bilang isang bansa, umapela ang DSWD sa publiko para sa anumang impormasyon ukol sa perpetrators at kagyat na ireport sa mga tagapagpatupad ng batas.
“Hindi pwedeng palagpasin ang ganitong kalupitan, sa person with disability man or sa ibang sektor. Malinaw na abuso ang ginawa nila. Kung may impormasyon kayo ukol sa mga nanakit, ipagbigay alam po sa kapulisan, sa amin, or sa alinmang ahensiya ng gobyerno,” ang dagdag na pahayag ni Morata.
Ang karapatan at kapakanan ng persons with disability ay protektado sa ilalim ng Magna Carta for Persons with Disability o Republic Act No. 7277, partikular na ipinagbabawal ang anumang uri ng diskriminasyon laban sa sektor kabilang na ang karapatan sa public accommodations.
Sa ilalim ng Revised Penal Code, “physical abuse is punishable by imprisonment, with maximum punishment to be determined by the impact of the act. In this case, abuse against a minor as provided for by the Republic Act 7610 or the “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.”
“Any act of verbal and non-verbal maltreatment and public ridicule against a person with a disability is also subject to punishment as specifically stated under Republic Act No. 9442,” ayon pa rin sa ulat. Kris Jose