Home NATIONWIDE Pagkakasama ni Magalong sa ICI, ipinaliwanag ni PBBM

Pagkakasama ni Magalong sa ICI, ipinaliwanag ni PBBM

286
0

MANILA, Philippines – Ipinaliwanag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung bakit pinili niya si Baguio City Mayor Benjamin Magalong bilang special adviser ng Independent Commission for Infrastructure (ICI), na tututok sa iregularidad sa flood control projects.

Sa press conference sa Kalayaan Hall, Palasyo ng Malacañang, sinabi ng Pangulo na si Magalong ay isang mahusay na imbestigador, at tinukoy ang mahalagang papel nito sa imbestigasyon ng Mamasapano incident noong 2015. Dagdag pa ng Pangulo, marami umanong maiiaambag si Magalong sa imbestigasyon bilang isang dating police officer.

“There have been questions as to why Mayor Benjie has been included and the answer is very simple – when I went to Baguio at tiningnan ko iyong mga malabo na flood control project ay sinalubong niya kaagad ako ng isang report. Imbestigador naman talaga si Mayor Benjie. Kung maalala ninyo, he was the one who wrote, as CIDG head, he was the one who wrote the seminal report on the Mamasapano incident and that was… immediately, that gave me… put him—that’s when I came to know of him and saw that he has integrity,” litaniya ng Pangulo.

“And then, again when I went to Baguio, mayroon na siyang—being a good investigator, he had a very, very detailed, very good report already. So, he’s been working on this for a while so marami siyang mako-contribute,” dagdag pa niya.

Nauna rito, itinanggi ni Magalong na nagbitiw siya sa puwesto bilang alkalde ng Baguio City para magsilbi sa independent commission na mag-iimbestiga sa umano’y korapsyon sa infrastructure projects ng pamahalaan sa nakalipas na 10 taon.

Ginawa ng alkalde ang paglilinaw sa kaniyang online account kasunod ng napaulat umanong pagbibitiw niya sa puwesto.

Aniya, walang katotohanan ang kumakalat na claims na bumaba siya sa puwesto, at iginiit na hindi siya nag-resign. Nananatili rin aniya siyang fully committed sa pagsisilbi sa kanilang lungsod.

“False claims are circulating that I have resigned as Mayor of Baguio. I have not resigned. I remain your duly elected Mayor, fully committed to serving our city,” saad ni Magalong sa kaniyang Facebook post.

Matatandaan, nauna nang pinangalanan ni Pangulong Marcos si Magalong bilang special adviser at investigator para sa binuong independent commission.

Nanindigan naman si Mayor Magalong na hindi makaaapekto sa kaniyang mandato bilang alkalde ang kaniyang papel sa naturang komisyon at mananatiling prayoridad niya ang mamamayan ng Baguio.

Samantala, nang tanungin ang Pangulo kung bakit hindi na lamang inatasan ang CIDG o National Bureau of Investigation na tutukan ang anomalya sa infrastructure projects, katuwiran niya ay dahil ang mga nasabing ahensya ay nasa ilalim ng gobyerno.

“Because NBI and all of those are part of the government, so, again there is—if there is a suspicion that maybe, in the investigation, the previous investigation ay baka tinulungan sila ng mga kasama nila sa NBI, mga ganoon, these things happen,” ani Marcos.

—Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here