MANILA, Philippines- Itinanggi ng legal team ng Chinese businessman na si Tony Yang ang mga alegasyon mula sa House quad comm — apat na komiteng nagsasagawa ng joint hearings sa mga isyung may kaugnayan sa Duterte administration, kabilang ang Philippine Overseas Gaming Operators — kung saan kinuwestiyon ng kanyang abogado ang pagiging patas ng proceedings.
Si Yang, inaming mayroong Philippine birth certificate sa kabila ng pagiging Chinese national, ay kapatid ni Michael Yang, dating presidential economic adviser ni Rodrigo Duterte noong presidente pa ito.
“I am very interested in how they can prove this criminal network in court,” ayon sa abogadong si Raymond Fortun.
“In Congress, lawmakers act as both prosecutor and judge,” aniya pa.
Iprinisinta nina Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr. ng Pampanga at Deputy Speaker David Suarez ng noong Biyernes.
“Nung nakita po namin ang pattern ay sinundan namin pataas ang mga korporasyon na ito, stripped it of its layers, to get to the top and through it all, we have discovered and identified at least two main actors or players in the issue of illegal drugs and illegal activities associated with POGOs,” wika ni Suarez.
Ipinakikita umano ng matrix ang koneksyon ni Yang sa iba pang mga indibidwal na sangkot sa mga ilegal na aktibidad, kabilang ang operasyon ng POGOs (Philippine Offshore Gaming Operators).
Samantala, kinontemp naman ng Quad comm members nitong Biyernes si Tony Yang dahil sa umano’y pagsisinungaling hinggil sa kanyang mga negosyo at mga kasosyo.
Idinitene siya sa Quezon City jail, subalit inihirit ng Presidential Anti-Organized Crime Commission na ipiit siya sa PAOCC Temporary Detention Facility. RNT/SA