MANILA, Philippines- Nasabat ng mga awtoridad ang 19 kilo ng hinihinalang shabu at narcotics na nagkakahalaga ng tinatayang P90 milyon sa Matnog Port sa Sorsogon nitong Sabado ng gabi.
Sinabi ng Philippine Drug Enforcement Agency Sorsogon na nakatanggap ito ng impormasyon na isang sasakyan mula sa Visayas patungo sa Manila ang may dalang ilegal na droga. Narekober ng pinagsanib na pwersa nf PDEA Sorsogon, PDEA National Capital Region, Matnog Sorsogon Police ang kontrabando.
Nasabat ng mga awtoridad ang 200 piraso ng medium heat-sealed sachets na naglalaman ng 10 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P50 milyon at walong bricks na pinaniniwalaang mayroong droga na aabot sa halagang P40 milyon.
Nadakip naman ang dalawang suspek na kinilalang sina Kabilan Yusop Arsadc, 30, mula sa Poblacion Shariff Aguak, Maguindanao at Tato Kumpi Jehamin, 21, tubong Talitay, Maguindanao.
Kasalukuyang nasa ilalim ng police custody ang dalawa at nahaharap sa kasong paglabag sa SectionIl/ RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. RNT/SA